There's this certain tradition sa mga minor subjects ng UP. Ito ay yung readings. Sobrang nakakapagod magbasa ng magbasa ng maraming articles, stories, at kung ano pa pero I realize na style ng UP na patalasin ang kaisipan mo sa pagbabasa. Minsan magbibigay sila ng readings na madali sa una, yung tipong hindi ka kaagad aantukin tapos pahirap ng pahirap hanggang sa masanay. Sa ibang schools, walang ganito. Puro papers lang pinapagawa, hinahayaan magresearch ang mga estudyante sa internet knowing na pwede silang magcopy paste lang naman. Eh sa UP hindi, bibigyan ka nila ng article, babasahin mo ito at issynthesize mo. Hindi naman ganito sa lahat ng minor subjects. I'm just saying na may ganitong sistema sa UP na kapag naranasan mo ay siguradong marami kang matututunan. Sa engineering naman, yung engineering sciences nila as compared sa ibang universities ay sobrang iba. Napaka-advantageous ng sa UP kasi hiwalay yung laboratory at lecture ng Engineering sciences. Sa Lec, tuturuan ka nila ng concepts about structures, bars, forces, at marami pang iba. May kasama nang examples yun. Tapos sa laboratory naman, puro lang pagsasagot ang ginagawa. Buong time, nagsasagot lang kayo ng maraming problems about sa lecture. Kaya nahahasa ang skills mo na mag-isip at mag-analyze ng mga structures.Sa larangan naman ng curricular activities, napakaraming opportunities at events ng UP. Sa dami ba naman ng organizations dito ay siguradong maraming gustong mag-organize ng events na maggegenerate ng pera para sa org nila. Sa org ko, which is UP ACES, marami kaming mga bigating national events kaya hindi na masyadong big deal samin na kailangan maging aligaga ang bawat miyembro na mag-organize ng event kagad kasi may mga nakaset na events na kami for the year na alam naming may papasok na pera sa org katulad ng National CE Summit namin at ilang mga parties. Pero willing yung org namin na mag-organize ng events na bago at makipagtie-up as long as may malaking pera na papasok sa org. Ito ang crucial part ng pagiging miyembro ng isang org. Kailangan mong tugunan ang bawat responsibilities mo in continuing the legacy at yung standards na isinet ng mga alumni for the org. Kakaiba nga talaga ang culture sa UP, napakacompetitive at kumbaga parang mini-business type na kasi may usapang pera, tie-ups, at marketing deals with companies na.
Sa larangan ng trabaho, lalo na pag nagkaroon ng job fair sa UP especially sa engineering, sobrang dagsaan ang mga kumpanya at nag-aagawan sa mga UP students na mapa-apply nila sa companies nila. Kaya chillax nalang mga UP students eh. haha. Alam nilang may mga job fair sa UP na pwede na sila mag-apply at magpasa lang ng resume na hindi na kinakailangan pang pumunta sa company itself. Pero siyempre subjected for interviews pa rin. Pero hindi lahat ganito. May iba na hindi natatanggap pero hindi nangangahulugan na wala ng potential yung student na yun. UP tayo mga sir! :) Kaya if you're a UP student, be proud!
Isa sa mga kakaibang tradisyon na mayroon sa UP ay ang political life ng university. Grabe lang kung mamulitika ang mga kumakandidato for the council whether its a home college or for the whole university. In my case, we have the ESC in engineering at USC for the whole university. Nung tumakbo ako sa council, ako na siguro yung isa sa mga kandidato na hindi nag-isip mamulitika or maglabas ng baho ng isang kalaban to make my campaign work. Hindi ganoon. I wanted a clean fight. I just thought na hindi kasi talaga effective ang traditional politics dahil ang pangit tignan. Yung ibang kandidato, naglalabasan pa ng mga black propaganda na sisira talaga sa kandidato. Sabi nga nila, ang UP parang mini-Philippines. Tuwing eleksyon, may nagkakapulitikahan talaga. Sad to say, may natatalo dahil sa mga black prop. Hindi ako fully naniniwala na nationalist, at demokratiko ang lahat ng estudyante sa UP. Kaya mayroong mga partido sa school eh. Nariyan ang Stand UP na nananatiling palaban at naniniwala sa kolektibong pagkilos, in short, mga aktibistang tunay. Alyansa na naniniwala sa responsive actions at multi-perspective activism na hindi lahat ng bagay ay nagagawa thru rallies. Paborito ko sana ang Alyansa before except the anti-fraternity representation sa USC nila. Pero naniniwala rin ako sa kanila kasi ganun din akong tao. Hindi ako maaklas pero still there are smart and educated ways to do campaigns. Kaisa naman ay yung namamangka sa dalawang ilog, in short, nag-aaklas pero inclusively lang within the university. Mga Stand UP deny-ers itong mga to haha. Kasi maraming Kaisa ang lumilipat ng Stand UP. Pero I respect their stands on issues kasi isa sila sa mga malilinis makipaglaban tuwing eleksyon. Mga professionals kumbaga. Sa kabila ng lahat, hati parin talaga ang response ng mga estudyante dahil sa kani-kanilang paniniwala at mahirap baliin iyon dahil masyadong matatalino ang mga UP students para maimpluwensiyahan.Here's my AVP when I ran for the council. With my own principles, I continue to serve the people.



